July 19th, 2008
MV PRINCESS OF THE STARS
Ang MV Princess ay nagawa noong 1984,at nagbibigat ng 23,824 tonelada ang bigat ng barkong ito.
Ang barkong MV Princess of the Stars na naglululan ng mahigit na 800 na mga pasahero ang iniulat na lumubog malapit sa Sibuyan Island dahil sa kasagsagan ng bagyong "Frank" kahapon ng tanghali.
Kaugnay nito, apat na bangkay ang umano'y namataan malapit sa sinasabing pinaglubugan ng barko, at pati na rin mga nakalutang na life jackets at tsinelas.
Sinabi naman ni San Fernando, Romblon Mayor Nanette Tansingco na mayroon pa umanong iba pang bangkay na namataan naman malapit sa Baranggay Mabulo.
Sa Baranggay Mabulo, may nakitang babae at lalakeng patay na nasa 40 taon gulang ang idad.
Maraming tsinelas ng mga bata ang nakita sa dalampasigan. Sinabi pa ni Tansingco na bago pa lumubog ang barkong "Princess of the Stars" sa Romblon ay nakatanggap na sila ng inisyal na ulat tungkol dito pero hindi naman umano sila makalapit sa lugar dahil sa lakas ng alon at "zero visibility" pa.
Nauna rito, sinabi naman ng Philippine Navy sinubukan nilang lapitan ang naturang barko ngunit wala silang magawa dahil sa lakas ng alon at lakas ng ihip ng hangin.
Napag-alaman na na dispatch na rin ng Philippine Coast Guard ang kanilang Search and Rescue (SAR) vessel na BRP Davao del Norte upang sagipin ang mga biktimang lulan ng lumubog na barko.
Sinabi rin ng Coast Guard kahapon na pinadala na rin nila ang BRP Pampanga para makatulong sa isinasagawang search and rescue operation sa Romblon.
Bukod sa Search and Rescue teams, ang BRP Pampanga, ay mayroon ding isang oil spill response team para suriin kung nagkaroon ng pagtagas ng langis kaugnay ng paglubog ng "Princess of the Stars" na pag-aari ng Sulpicio Lines.